𝓟𝓪𝓷𝓭𝓮𝓶𝓲𝓬 𝓴𝓪 𝓵𝓪𝓷𝓰, 𝓘 𝓪𝓶 𝓪 𝓕𝓲𝓵𝓲𝓹𝓲𝓷𝓸
Sa hindi inaasang panahon, isang pandemya ang dumating sa mundo at ang dating masiglang mundo ay biglang nagbago. Naging mahirap sa mga Pilipino ang pagdating ng COVID-19 (2019 Novel Coronavirus) sa ating bansa sapagkat napakatindi ang naging epekto nitong virus na ito sa mga Pilipino. Dahil dito, maraming mga tao ang nawalan ng hanapbuhay, nagugutom, at nawawalan ng pag-asa sa buhay. Marami sa atin ang natatakot sapagkat alam natin na nakakamatay ang virus na ito at hindi rin natin alam kung kailan ito matatapos. Napakaraming nagbago simula ng pandemya hindi lang sa pamamaraan ng ating pamumuhay, maging ang ating kapaligiran. Nakakalungkot lang na ang mga nakasanayan nating gawain noon katulad nalang ng paglabas sa bahay ng walang suot na face mask at walang nararamdamang pangamba at takot, yakapin ang mga mahal sa buhay, at makapag-travel sa ibang lugar sa Pilipinas o sa labas ng bansa ay hindi na natin nagagawa ngayon dahil sa COVID-19. Ngun...