𝓟𝓪𝓷𝓭𝓮𝓶𝓲𝓬 𝓴𝓪 𝓵𝓪𝓷𝓰, 𝓘 𝓪𝓶 𝓪 𝓕𝓲𝓵𝓲𝓹𝓲𝓷𝓸
Sa hindi inaasang panahon, isang pandemya ang dumating sa mundo at ang dating masiglang mundo ay biglang nagbago.
Naging mahirap sa mga Pilipino ang pagdating ng COVID-19 (2019 Novel Coronavirus) sa ating bansa sapagkat napakatindi ang naging epekto nitong virus na ito sa mga Pilipino. Dahil dito, maraming mga tao ang nawalan ng hanapbuhay, nagugutom, at nawawalan ng pag-asa sa buhay. Marami sa atin ang natatakot sapagkat alam natin na nakakamatay ang virus na ito at hindi rin natin alam kung kailan ito matatapos. Napakaraming nagbago simula ng pandemya hindi lang sa pamamaraan ng ating pamumuhay, maging ang ating kapaligiran. Nakakalungkot lang na ang mga nakasanayan nating gawain noon katulad nalang ng paglabas sa bahay ng walang suot na face mask at walang nararamdamang pangamba at takot, yakapin ang mga mahal sa buhay, at makapag-travel sa ibang lugar sa Pilipinas o sa labas ng bansa ay hindi na natin nagagawa ngayon dahil sa COVID-19.
Ngunit
kahit na ganito, hindi nagpatalo ang mga Pilipino at patuloy na lumalaban sa
anumang pagsubok. Hindi tuluyang nawalan ng pag-asa ang mga Pilipino at patuloy
ang pananalig sa Diyos. Parating gumagawa ng paraan upang magpatuloy sa buhay
na tinatawag nating "New Normal" ngayon. Naging madiskarte ang mga
Pilipino sa pagtugon sa pandemyang ito. Humanap sila ng ibang pagkakakitaan
habang wala pang trabaho katulad nalang ng pago-online selling ng mga produkto
o mga pagkain na maaari nilang ibenta. Naging patok ito sapagkat hindi na
nakakalabas ang mga tao sa kanilang tahanan dahil sa banta ng COVID-19 at para
sa mga Pilipino, mas convenient ang pagbili online ng mga kakailanganin sa pang
araw-araw sa buhay sapagkat mas ligtas ito.
Ika nga nila, "Life goes on." Anumang pagsubok ang darating, kayang kaya nating labanan at mapagtagumpayan.
Photo source:https://twitter.com/hashtag/covidkalangpinoykami

Comments
Post a Comment